Sunday, December 3, 2017

ELEHIYA PARA SA AKING KAIBIGAN - Halimbawa ng Elehiya

Tumakbo ng mabilis ang oras
Para sa isang paglalakbay na ngayon ay lumipas
Para sa aking kaibigang buhay
na ngayon ay nasa hukay

Ang naiwang ngiti sa sulok ng tambayan ay hindi na matanaw
ang dating tawa , ngayon tila sa mga lumang video na lamang mapakikingan
at ang mga payo ay magsisilbing ala-ala
at ang dating nakatayo, ngayon ay nakahiga na

Nasaan kana-
Aminado ako na kwenestyon ko ang diyos kung bakit ikaw pa
Bakit sa pitong bilyong tao ay ikaw pa ang napili nya
bakit kung kelan nagkakakilala na tayo, saka ka pa nya kinuha

Napuno ng luha ang aking unan
matapos  kang maligaw sa  iyong huling hantungan
ang pangako ng walang hanggan ay naging isang kasinungalingan
"Kasi sabi mo walang hanggan pero may dulo"

Ang dating musika ay masakit na sa tenga
Ang tamis ay naging pait
ang mabango ay umalingasaw
at ang nandito ay nawala na

Muli hihingi ako sa bathala
Na sana ay lagi kong maalala
na mabubuhay ako

kahit wala kana

8 comments:

To All my Friends I Have Before

TO ALL MY FRIEND, I HAVE BEFORE WHETHER IN CLASS OR OUTSIDE; HINDI kayo ang may problema kung masisira o nasira man tayo. Tand...