Ikaw..
Ikaw yung Tipo ng Sakit na gugustuhin kong maramdaman ulit
Pilit akong kumakapit, Inaalis ang galit ,
Ito ako ngayon Patuloy na lumalapit
OO! Heto parin ako nagaabang ng iyong pagbabalik
Masaya tayo Noon ng bigla kang nawala
Mali! Akala ko masaya tayo hanggang sa bigla kang nawala
Tinatanong sa isip kung anong nangyari
Ilang oras sa tala ay nakatingala
Naghahanap ng kasagutan sa iyong pagkawala
Nawala kana kasi na parang bula
Na hindi man lang nag iwan ng isang salita
Isang salita ! na magbibigay saakin ng Isang babala
Para sana ako'y nakapag handa sa iyong pagkawala
Hinintay kita
Mali! Hinihintay kita
Oras ay pinahalagahan Bawat minuto ,Segundo
Nakatulala ako sa Pinto Iniisip na babalik ka pa sa piling ko
Oras ang Tumatakbo,Inabot ng Bwan ,Hanggang sa naging isang taon
At doon ko nalang sinabi na "Tama na ,Hindi kana babalik pa
"
Madali lang ba akong bitawan?
Siguro,OO kasi ang tibay ng pagkaka-kapit ko ng bigla mo akong
binitawan.
Nanatili ako ng bigla mo akong iwan
Hindi man lang pumasok sa isip ko na bigla kang mawawala
ang saya natin noon
Pero hindi na iyon tulad ngayon
Ako pala yung tipo ng laruan na hindi binabalikan
akala ko saglit mo lang iiwan pero tuluyan kana palang lumisan
Pero Hindi! Hindi pala ako laruan
Tao ako !
Tao ako na may nararamdaman
Tao ako na nasasaktan
at Tao ako na nangangailangan
Hindi mo na ako binalikan
Kaya hanggang ngayon patuloy akong naguguluhan
Pinupuno mo ng sakit ang aking puso at isipan
Naghahanap parin ako ng kasagutan
Dahil ang hirap pala kumalimot ng Hindi alam ang dahilan
Ang hirap
.Ang hirap humanap ng kasagutan sa mga tanong kong walang katapusan...
Bakit ka
nga ba lumayo?
Andami mong
sinira ,Pinuno mo ako ng Pinsala Hindi man lang ako nakapag handa
Ilang araw
ang lumipas ,Mas sinusubok ko na maging masaya
Nalaman ko
nalang na wala ka palang bago ,
Wala kang
bago . siguro dapat akong maging masaya pero paano ? Paano ako mapapabago ng
wala kang bago
kung ang
sumunod don ay ang pagbalik mo sa Dating kayo
Hindi ka
nakahanap ng bago ,Dahil mas pinili mo lang pala ang ex mo
Kaya ngayon
Nagising na ako
Masakit
pero ano bang magagawa ko
Siya yung
pinili mo ...
Siya at
hindi ako
Nakita mo
lang ako noong panahong walang kayo
Nakikita mo
lang pala ako kapag wala kang bago
Kaya hayaan
mo ako makapag paalam sayo ...
"Mahal
Kamusta kana, Dama ko na Masaya kana Pero wag kang mag alala .Sinusubukan ko ng
gumising sa ilusyon at alisin ang emosyon ng katagang mahal natin ang isa't
isa"
Dahil kahit
mahal kita
Ako ay
titigil nakasi ang sakit sakit na
Kahit mahal
kita
Tama na
kasi ako'y nasira na
kaya mahal
... Paalam na
Makakalimutan
din kita tulad ng ginawa mo
"Isang
Hakbang Pasulong ,Kabay ng Emosyong Gumulong"
No comments:
Post a Comment