Tumakbo ng
mabilis ang oras
Para sa
isang paglalakbay na ngayon ay lumipas
Para sa
aking kaibigang buhay
na ngayon
ay nasa hukay
Ang naiwang
ngiti sa sulok ng tambayan ay hindi na matanaw
ang dating
tawa , ngayon tila sa mga lumang video na lamang mapakikingan
at ang mga
payo ay magsisilbing ala-ala
at ang
dating nakatayo, ngayon ay nakahiga na
Nasaan kana-
Aminado ako
na kwenestyon ko ang diyos kung bakit ikaw pa
Bakit sa
pitong bilyong tao ay ikaw pa ang napili nya
bakit kung
kelan nagkakakilala na tayo, saka ka pa nya kinuha
Napuno ng
luha ang aking unan
matapos kang maligaw sa iyong huling hantungan
ang pangako
ng walang hanggan ay naging isang kasinungalingan
"Kasi
sabi mo walang hanggan pero may dulo"
Ang dating
musika ay masakit na sa tenga
Ang tamis
ay naging pait
ang mabango
ay umalingasaw
at ang
nandito ay nawala na
Muli
hihingi ako sa bathala
Na sana ay
lagi kong maalala
na
mabubuhay ako
kahit wala
kana